Presidential Management Staff

Browse over 61 requests from this government agency

Go Back
  • REQUEST SUBMITTED

    You have submitted an FOI request

    Date: 2022-08-09 14:40:08.636044

  • PROCESSING REQUEST

    Your request is already in review

  • REQUEST DENIED

    Your request was denied

    Date: 2022-08-10 13:50:48.616428

  • 4

    RATE YOUR REQUEST

    How was your request?

COVID 19 - AED 730 cash assistance -- OFW in UAE

Requested from PMS by B. Luna at 02:40 PM on Aug 09, 2022.
Purpose: FOR OFW's
Date of Coverage: 09/08/2021 - 08/09/2022
Tracking no: #PMS-269309680536

Luna 02:40 PM, Aug 09, 2022

Magandang araw po Mahal na Pangulo,
Ako po ay isang OFW dito sa UAE simula noong 2016 at nagka covid po ako last July 2021 (delta virus), nagpasa po ako lahat ng requirements last August 9, 2021 dito sa embahada para makakuha ng covid 19 cash assistance. Hanggang ngayon wala pa din ako nattangap at naabutan na ng new memo. Sana po yung mga nakapending since last year ay mabigyan at yung mga succeding filling nalang po sana ang pasok sa bagong memo ng OWWA na "Not member, no assistance''. OFW pa rin po kami. Kahit magbayad daw po ng membership fee ngayon hindi na magiging valid sa assistance.

Agosto 10, 2022

Bb. Luna:

Ang inyong kahilingan patungkol sa COVID-19 cash assistance ay aming natanggap noong Agosto 09, 2022.

Layunin ng aming tanggapan na makapagbigay ng impormasyon at detalye hangga’t maaari. Gayunpaman, sa pagkakataong ito, ang inyong hinihinging tulong pinansiyal para sa COVID-19 ay hindi saklaw ng Freedom of Information (FOI) sa ilalim ng Executive Order No. 2 (s. 2016). Sa halip, maaari ninyong ipadala ang inyong kahilingan sa info@pms.gov.ph para sa pagproseso at pag-endorso sa kinauukulang tanggapan.

Kung kayo ay hindi nasiyahan sa aming pagtugon, maaari kayong humiling ng pagsusuri ukol dito sa pamamagitan ng pagsulat sa Presidential Management Staff sa info@pms.gov.ph. Mangyari lang po na isaad ninyo sa inyong kahilingan para sa pagsusuri, na kinakailangang maipadala sa aming Tanggapan sa loob ng 15 araw mula sa inyong pagtanggap ng sulat na ito, ang kadahilanan ng inyong kawalang-kasiyahan sa aming naging tugon. Aming tatapusin ang pagsusuri sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap ng aming Tanggapan ng inyong sulat at ang resulta ng nasabing pagsusuri ay ipararating sa inyo sa pamamagitan ng FOI portal.

Kung kayo ay hindi masiyahan sa resulta ng pagsusuri, maari kayong sumulat sa Office of the President ng naaayon sa Administrative Order no. 22, s. 2011.

Maraming salamat.


Lubos na gumagalang,

Leo Angelo B. Quimson
FOI Receiving Officer

Is this request offensive?

Requests for personal information and vexatious requests are not considered valid requests for Official Information.

If you believe this request is not suitable, you can report it for attention by the site administrators.